DI KO NA IPIPILIT | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
YouTube Viewers YouTube Viewers
235K subscribers
543,149 views
0

 Published On Jan 18, 2022

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
----------------------------------------------------------------------------

alam kong ito lang ang tanging makapagpapasaya sayo
kaya kung ayaw mo na talaga
di ko na pipilitin pa

ako yung unang bibitaw
pero di ibig sabihin nun
na natapos na ang nararamdaman ko para sa iyo
sa ating dalawa ako yung unang susuko
pero di ibig sabihin nun na agad-agad kitang mabubura sa puso ko

ilang beses ko ring sinubukan na ika’y ipaglaban
at dahil doon ilang beses rin akong nasaktan
pero huwag kang mag-alala
dahil hindi sakit ang dahilan
kaya kita binitawan
dahil simula nung minahal kita
wala na akong ibang inisip kundi ikaw

alam mo tuwing kasama kita
wala akong ibang naramdaman kundi ang lungkot
dahil ramdam kong pilit lang ang lahat sayo
at hindi totoong masaya ka kapag kasama ako

minsan nga naiisip kong naawa ka lang
kaya ka nananatili kapa
na natatakot ka lang na masaktan ako
kaya andiyan kapa

pero saan pa ba to pupunta
kung sa ating dalawa ako nalang ang masaya
ito na siguro ang tamang pagkakataon
na isusuko ko na
nang sa maging malaya ka na

patawad kung nasaktan kita
dahil sa pilit kong pinaglalaban ang isang bagay na
gusto mo ng matapos na

patawad kung ilang beses kong
pinagpilitan na pwede pa
kahit na ika’y pasuko na

kung wala na talagang ako diyan sa puso mo
di ko na ipipilit pa
kung ako lang ang tanging dahilan kaya ka naguguluhan
di ko na ipipilit pa

masaya na akong makita kang masaya
at kung ang paglayo ko
ang makapagpapalaya sayo
pangakong
bibitaw na ako
Kung ang paglayo ko
Ang makapagpapaligaya sayo
Kung ang paglaho ko
Ang makapagpapalaya sayo
Di ko na pipilitin pa
Di na kita pahihirapan pa

Alam kong ito lang ang tanging magagawa ko
Nang sa di ka na mahirapan pa na manatili
Sa kung ano man ang meron tayo

Facebook Page:  / mercy-bless-102417664695351  
Tiktok : tiktok.com/@mercy.bless
Business Email : [email protected]
Spotify: in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.

FAQs:
Q. How old are you?
22

Q. Where do you live?
In the Philippines

Q. What camera do you use?
I use a Canon M50

Q. What mic do you use?
Maono AU-PM422

Q. What do you use to edit your videos?
I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
it depends on the video that i need to edit..

Q. Every When do you upload?
di ko nga rin alam haha

music:    • Kabilang Buhay - Bandang Lapis | Pian...  
subs count: 186,821 subscribers

show more

Share/Embed