Infinix Hot 40i Review - PANALO TO !
Gadget Tech Tips Gadget Tech Tips
88.4K subscribers
55,520 views
0

 Published On Dec 18, 2023

Hey guys para sa 5399 na srp masyado maganda ang specs ng infinix hot 40i ngayon.

Dahil meron agad tong 8GB RAM at 256GB na internal storage.

Naka punch hole pa na camera at 90hz na refresh rate.

Tapos 50mp main camera pa at 32mp front selfie camera.

At syempre malakas na processor pang gaming din.

Itong si infinix hot 40i na ang pinaka murang smartphone ni infinix na my ganyang klase ng specs ngayon.

Dahil itong specs ng hot 40i ngayon ee halos yan ang specs ng hot 30 last year.

Dating 4500 ang srp ni hot 30i last year. Tapos 5399 ngayon sa hot 40i, 900 pesos lang ang difference nila sa price pero grabe ang upgrade sa specs.

Display palang dating teardrop notch sa 30i ngayon punch hole na. Dating naka 13mp na camera sa hot 30i, ngayon 50mp na, dating 4 128 lng ngayon 8 256 na. Para lang sa 900 pesos na difference nila sa presyo.

Sa package meron lng tong jelly case, adaptor at cable walang earphone.

Sa charging speed naka 18watts to same ng hot 30i gnun parin mabagal parin dahil inaabot parin to ng 2hrs bago ma full charge.

6.6” IPS DISPLAY parin sya na my 90hz punch hole na display.

Puro ganito ang display nila infinix at tecno ngayon

Iniisip ko guys kung worth it ba mag palit dito kung nka infinix hot 30i dahil itong hot 30i at hot 40i ngayon ee same processor lng na my unisoc t606 na processor kaya kung more on mobile legends lang ang nilalaro mo ee wala ka naman makikitang difference sa performance nila. Dahil same processor lng sila kht pa mataas ang ram at storage ni 40i.

Ang isang mgndang upgrade dito is itong camera dahil nag improve na tlga sa camera ang hot 40i. Hnd lang bsta tumaas ung mejo pixel ng mga camera gumanda na rin ang mga picture hnd na sila maputla at blurred.

Yan ung mga naging sample picture naten.

Ang pinagtataka ko lng dito kung bkt yata naka single speaker parin ang hot 40i. Dahil naka dual speaker na ung spark 20 na ka presyo nya kht ung spark go 2024 naka dual speaker na pero itong mga bago ni infinix puro naka single speaker parin.

Mas maganda sana kung naka dual na rin para damang dama naten ang pag lalaro ng call of duty mobile. Dahil smooth na smooth to dito guys kung puro multiplayer lang ang nilalaro nyo.

Sa design maganda ang design ng hot 40i ngayon napaka premium para sa gnyang presyo lalong lalo dito sa color gold na pinili ko.

White sana pipiliin ko kso mag kakamukha talaga mga bagong labas na smartphone nila tecno at infinix ngayon. Kaya gold naman pinili ko para iba iba.

Sa genshin impact mkakakapag laro ka din na yan pero sa lowest graphics lang at 60fps na gameplay pwd na yan guys ska panalo na rin yan dahil napaka taas ng storage ng 40i ngayon hnd ka kakabahan na mapupuno agad ung storage mo dahil napaka taas ng kakaining storage pag nilagay mo tong genshin impact.

Kht namanung call of duty mobile napaka laki narin ng storage na kailangan. Buti nlng puro mga 256gb na ang mga smartphone sa ganitong presyo.

Sila vivo, realme, oppo at samsung nalang naiiwan sa mga storage nila.

Para sken sa mga naka hot 30i jan hnd pa worth it mag palit dito para sken dahil same processor lng naman.

Pero kung naka smart 7 ka at spark go 2023 un guys panalo mag palit dito. Dahil napaka panget ng specs ng dalawang smartphone na yan.

Pero naguluhan lng tlga ako ng konti dito dahil unisoc t606 din si smart 8 na my 3700 na srp sa 4 128 na version. Para sken kung hnd naman mahalaga sa inyo ang mataas na mega pixel ng camera at mataas na storage goods din ang smart 8 ngayon makakamura kapa dahil kung mobile legends ee same lng naman ang hot 40i at smart 8 ngayon.

Pero sa mga nag hahanap plng jan ng bagong phone para sken goods na ang hot 40i ngayon lalo kung infinix ang gusto mo dahil napaka mura parin na yan sa 5400 na srp.

Icocompare naten to sa ibang phone sa ganitong mga presyo para makapag decide tayo ng malinaw. Palike nlng po kung naka tulong thanks for watching.

show more

Share/Embed