Ang Jihad at si Propeta Mohammad
Ang Pilipinong Muslim Ang Pilipinong Muslim
162 subscribers
23 views
0

 Published On Premiered Feb 29, 2024

Ang JIHAD at Si Propeta Muhammad

Ang buong buhay ni Propeta Muhammad ay nakatuon sa Jihad. Sa mga ito, apat na buwan lamang, humigit-kumulang, ang ginugol sa pagtatanggol sa mga labanan.

Ginugol niya ang unang labingtatlong (13 taon) ng pagkapropeta sa Makkah sa pagsusumikap na ipalaganap ang mensahe ng Qur’an laban sa mga mapang-aapi ngunit hindi siya kailanman nagtaas ni ng isang daliri bilang tugon. Umalis siya sa Makkah patungo sa Madinah ngunit patuloy siyang tinugis ng mga Makkan sa Madinah.

Nang maglunsad lamang ang mga Makkan ng labanan upang patayin ang mga Muslim sa Madinah dito lamang niya pinahintulutan ang pisikal na labanan sa pagtatanggol sa sarili upang mapangalagaan ang kanilang kalayaang mamuhay nang payapa at sumamba sa Diyos.

Minsan habang pauwi mula sa isang labanan, pinaalalahanan ni Propeta Muhammad ang kanyang mga tagasunod na sila ay bumabalik mula sa jihad ng mas mababang uri patungo sa jihad ng pinakamataas na uri at kailangan nilang ipagpatuloy ang pagsisikap at self-reformation nang walang anumang pagkaantala.

Sa isa pang pagkakataon ang Propeta ay nagsabi na sa lahat ng mga nagsasagawa ng jihad, “ang pinakadakila ay ang taong nagsusumikap laban sa kanyang sariling mga hilig.” (Ibne Maja, Kitabul Fitn)

show more

Share/Embed